To know me, you have to read me. Otherwise, I'm just like everybody else. Without identity. Choose well.

Thursday, August 19, 2010

WANTED: Estranghero

Hindi ko maintindihan kung bakit ang dami kong naisisiwalat sa isang complete stranger at ganun din sila sa akin. Isa ba itong golden rule na hindi pa naisusulat?

Hindi miminsan ang ganitong mga pangyayari. Hindi ko na mabilang sa sobrang pagiging sociable. Ngunit hindi ko pa napapahalagahan ang mga ganitong uri ng libreng heart-to-heart talks sa mga panahong yun. Sapagkat nung kabataan ko, wala pa akong ibang iniisip kundi; maglaro, eskwela, magbasa, lalake, kumain, magbasa ng nakasimangot, eskwela, maglandi, kumain. Joke lang. Mas marami dapat ang maglaro. Bwahahaha.

Maganda kausap ang mga estranghero. MARUNONG MAGTANONG. Hindi sa ipinagpapalit ko ang mga butihin kong kaibigan. Meron lang talagang mga bagay-bagay na nagkukulang. Kadalasan ay ang pagtatanong. Marahil sa kadahilanang; gusto rin nilang matanong, sila ang maunang magkwento, makipag-chismisan tungkol sa showbiz, mamintas sa mga nagdaraan, makipag-debate, o busy lang ang bibig sa pagngunguya ng kung anu-ano. Pero hindi lahat ng estranghero ay kaaya-aya. Maraming nakakairita, nakakabanas, mahangin, mabaho, at mabunganga.

Bakit nga ba minsan, ayaw mong makipag-usap sa isang kakilala? Sa isang matalik na kaibigan? O sa isang nagmamahal? Dahil ba sa masyado na silang maraming alam na hindi na kailangang magtanong? O kulang ang kaalaman nila sa iyo kaya di ka rin makabuwelta? Mainam na yung estranghero. Instant bestfriend. One time buddy. Madaling kausapin dahil isa lang ang inhibisyon mo, ang hindi sabihin ang iyong bio-data.

Meron din akong ideal estranghero. Siya yung hindi sumasabat ng sarili niyang buhay kapag nagna-narrate ka na ng iyong life story. Someone who asks the right questions. Yung hindi nakikipagkompetensya sa kung sino ang mas miserable sa inyo. (Kasi kadalasan, mas nakakapaglubag-loob yung tinatanggap niyong mas miserable nga kami.) Yung kahit buong hapon na kayong nag-uusap eh andun pa rin ang interes. Yung pwede mong iyakan. Yung nakakaintindi ng sign language. Yung walang unsolicited opinions. Yung hindi nakikipag-debate sa lahat na lang ng topic. (Nakakabanas talaga yun!) Yung may tamang sense of humor. At higit sa lahat, yung marunong sumeryoso ng kausap.

Kaso nga lang, nakakalungkot isiping kung kelan mo kailangan na kailangan ng estranghero, saka naman wala kang nakikita ni ga hibla ng buhok nila. Nakakalungkot din isiping hindi pa nag-eexist sa mundo ko si ideal stranger. Masyadong dumadami na kasi ang gustong magbida ngunit ayaw makinig. Dumarami ang gustong matanong ngunit ayaw magtanong. Maraming gustong makipag-usap, ngunit one way nga lang.

Ako lang ba talaga ang estrangherong hinahanap ko? Ikaw nga lang ba talaga ang makakatagpo ng estranghero sa sarili mo? I pity the plight of the human race then. 'Ika nga... "He got thinking about how ridiculous the whole concept of human communication was - what a monstrous, absurd overkill was necessary to achieve even just a little" -- Cujo by Stephen King

NOTE: Sa kawalan ng magagawa sa mansyon naming tadtad ng squatter, binasa ko ulit ang koleksyon kong Bob Ong books. Kung kaya, this is Bob Ong inspired. :)





2 comments:

  1. kaya pala tagalerg. nice one liya! :D

    ReplyDelete
  2. Maraming salamat. Gusto ko lang kasing ipagyabang na marunong din akong magtagalog. :)) Well, apart from what I mean by this blog of course. :D

    ReplyDelete